The Story of Lindon | KnBK Story

 


 Dear Kakuwento,

             July 2021, mahigit apat na taon na ang nakararaan noong makilala ko ang babaeng hindi mabigkas ng tama ang sarili niyang pangalan. Si Leli. Over a year later, noong Septemer 2022 nag-process kami ng papeles namin para sa aming kasal ni Lele at noon ko lang nakita ang spelling ng pangalan niya. L.I.L.Y. Diyos ko pong mahabagin, Lily pala!

             Ngayon ay may 2-year old na kaming anak na pinangalanan naming Lenard, pero ang bigkas niya ay Linard.

             Yes Kakuwento, bisaya ang misis kong si Leli. Ang babaeng nagpabago sa akin at siyang kahulugan ng saya at ligaya para sa akin ngayon.

             Saya, dahil hanggang ngayon, kahit apat na taon na kaming nagsasama ay halos araw-araw pa rin niya akong napapatawa. Ligaya, dahil hindi pa rin ako nagsasawa sa kaniyang angking kagandahan at alindog. Seksing-seksi pa rin siya kahit nanganak na siya....at pagdating sa kama, langit lagi ang hatid niya.

 PLAY>S1

 KTV-2

            Kung hindi ako nagkakamali Kuya Bono ay buwan ng Marso noong taong 2021 noong mabasa mo ang aking maikling kuwento. Nung buwan ding iyon ay narinig ko kay Lola ang salitang;

             “Ano kaya kung pasyalan natin ang Nanay mo, para makalibot din tayo sa Visayas?”

             Hindi mahilig magbiro si Lola Kuya Bono at ang kaniyang simpleng mungkahi ay nangyari nga. Ang dati pa naming planong mag-barko ay nabago din dahil mas pinili ni Lola ang mag-eroplano na lang...at pareho naming first time noon ang makasakay sa eroplano na siyang nagdala sa amin sa probinsiya ng Aklan.

                       Katabi ng siyudad ng Kalibo ang bayan ng Numancia. Tagaroon si Tito Jack na pangalawang asawa ni Nanay. Mayroon silang maayos na tahanan sa barangay ng Camanci Norte at si Tito Jack, bagay sa kaniya ang pangalan niya sapagkat siya ay literal na Jack of All Trades dahil sa dami ng trabahong kaya niyang gawin kaya naman, yes, OK naman ang buhay nila ni Nanay, kasama ang tatlong kapatid ko sa ina na puro babae...kaya kaagad ko rin silang naging ka-close kahit na may konting language barrier kami noon dahil ang salita nila ay Aklanon.

            Mahirap aralin ang kanilang salita, lalo na sa pronounciation or pagbigkas dahil, ang pinagmulan dahil ng tunog ng pagbigkas nila ay sa isang datu noon na bingot. Gusing sa Ilokano na siyang salita ng tatay at Lola Cely ko. So imagine niyo na lang ang tunog ng salita ng isang bingot. Yun nga lang pagbigkas sa mismon word na Aklanon ay hindi talaga tunog La, kundi parang may konting Ra. Ay nakakalito. Pero naging joke ko noon sa mga bagong kaibigan ko sa Camanci Norte ang pagsasabing, ako ay Aklanon, dahil ako ay isang akla! Bakla.

           Tinatawanan lang nila ako noon pero isang araw, sa tabi ng dagat ng Camanci Beach ay namataan ko ang isang lalaking kaagad kong nagustuhan. Kaagad kong tinanong kay Shaira ang pangalan ng lalaking iyon na naka-shorts lang, walang damit pang itaas kaya’t lantad ang magandang hubog ng kaniyang katawan, lalo na ang tiyan at dibdib.

            “Si Kirin yan....” Sagot ni Shaira. Si Shaira ay panganay na anak ni Nanay kay Tito Jack. 15 na siya noon, sumunod sa kaniya si Jalina, 13 at bunso nila si Bekwang na noon ay 11 years old naman.

             “Boyfriend yan ni Ate Leli....” Dugtong pa ni Shaira noon.

            “Sino naman si Leli?” tanong ko kay Shaira.         

            “Kapitbahay namin. Maganda yun....”

            “Mas maganda sa akin?” biro ko pang tanong at ewan ko kung biniro lang din ako ng half-sister ko sa kaniyang sagot na;

             “Bakit, maganda ka ba? Eh bayot ka naman!”

            “Oy Shaira, huwag mo akong tatawaging bayot ha? Mas gusto ko pang tawagin mo akong Aklanon,..dahil isa akong akla!”

>>> 

            Yes Kuya Bono, sa lugar nina Nanay, wala ni konting hiya akong ipakita ko ang kabaklaan ko. Kabaliktaran sa lugar ni Tatay Solano, NV na, hangga’t kaya ay itinatago ko talaga dahil sa una sa lahat, ikinahihiya din naman ako ni Tatay at mga kapatid ko sa ama. Ang pagiging bakla ko sa kanila ay isang bagay na dapat kong pagsisihan...pero kina Nanay, it was a blessing kasi, si Nanay na nagluwal sa akin ang unang tumanggap sa kabaklaan ko. PERO,...doon sa Camanci Norte, Numancia, Aklan....ay nalunod sa dagat ang kabaklaan ko...tinangay ng alon at baka sumanib ang espiritu ng pagka bakla ko sa isang galunggung!...at ito ay dahil kay Leli.

 PLAY>S3

 KNBK-4

            Nagta-trabaho si Leli bilang saleslady sa siyudad ng Kalibo pero tuwing day-off niya ay umuuwi siya kaya nakilala ko siya at kaagad ding nakasundo dahil, sanay daw siya sa mga bayot. Masayahin si Leli at bihasang magtagalog pero, normal talaga sa kanila ang kakaibang accent sa pagtatagalog na noong una ay tinatawanan ko talaga.

             Nagkakuhanan din kami ng cellphone number at facebook ni Leli...at sa chat lang niya nasabi sa akin na may problema pala sa relasyon nila ni Kirin na that time pala ay dalawang taon na niyang jowa.

             Si Leli ang nakaisip na, magpanggap daw akong jowa niya. Pagselosin daw namin si Kierin. Sabi ko noong una, “Ayaw ko, baka bugbugin pa ako ni Kirin”

             “Ayaw mo pa nun. Kapag binugbog ka niya, yayakap ka sa kaniya, hahawakan mo ang gusto mong hawakan sa kaniya!”

             “Gaga ayoko. Masakit yun!”

            “Tanga, hindi bubugbugin nun. Baka takot nga sayo yun eh kasi mas malaki ang katawan mo”

>>> 

            Well, true to life naman ang sinabi ni Leli na mas malaki ang katawan ko kay Kirin at baka mas matigas pa nga ang mga masels ko kasi, lumaki ako sa mabibigat na trabaho. Nabuhay lang talaga ako sa ilusyon na babae ako, seksi ako pero ang totoo, lalaking-lalaki ang itsura ko at hindi rin ako guwapo. Kamukha ko ang Tatay namin na talagang iniwasan din ng kapalarang maging guwapo.

             23 na ako noon, pero parang immature pa. 24 namang pareho sina Leli at Kirin that time at, napapayag ako ni Leli na magpanggap na bago niyang jowa para pagselosin siya Kirin.

             Isang hapon sa tabing-dagat, magkasama kami ni Leli. Tambayan kasi yun ng mga tao kapag palubog na ang araw. Biglang kumapit si Leli sa braso ko.

             “Andiyan na siya. Akbayan mo ako!” Utos niya. Pagkakita ko kay Kirin, ako ang kinilig.

             “Ba’t ba laging walang damit yan? Siya ba ang life guard dito sa beach?” tanong ko pa.

             “Ganiyan talaga yan pag tag-init. Magdadamit lang kapag pupunta ng bayan. Dumikit ka pa sa akin para convincing” Bulong niyang nakangiti. Nakita ko sa mukha ni Lelina umaakting siya. Siya ang dumikit ng husto sa akin kaya dumaiti sa gilid ng dibdib ko ang gilid ng dibdib niya. Ramdam kong tumayo ang balahibo ko noon pero hindi ko maintindihan kung pandidiri yung naramdam ko o ano. Basta, tinayuan ako ng mga balahibo.

 

            Ngiting aso si Kirin noong matapat sila sa amin. Sa salita nila, ang sabi;

             “Ang close niyo naman. Para kayong mag-jowa ah?”

            “Ano daw?” tanong ko kay Leli kasi, yung jowa lang ang naintindihan ko.

            “Huwag mo siyang pansinin honey...” Nakaismid na sa sagot sa akin ni Leli.

            “OK Honey” sagot ko naman pero kaagad tumawa si Kirin.

            “Honey? As in, mag-jowa na kayo?” Sabi niya sa tagalog.

            “Bakit pre, masama ba?” sagot ko.

            “Pre ha. Diba bakla ka?” Mabilis na sabad ni Kirin. Si Leli ang sumagot.

             “Oo, bakla siya pero mas malaki ang ano niya kesa sayo” Napamulagat na lang ako sa sinabing iyon ni Leli, pero sa totoo lang Kakuwento, iyon ay isa sa mga sikreto ko. Daks talaga ako kaya never akong naghubad kapag nakikipagtalik ako noon sa kapuwa ko lalaki, kasi ayaw kong makita nila, baka manliit lang sila.

             Parang napahiya naman si Kirin sa sagot ni Leli. Namula ang mukha at umalis na lang kasama ang kaibigan niyang ngingisi-ngisi lang.

             Tinanong ko naman si Leli noon.

            “Bakit, nakita mo na ba yung ano ni Kirin?”

            “Oo naman. Jutay siya!”

            “May nangyari na sa inyo?”

            “Oo. Maraming beses na!”

            “Ganon?” Tila di makapaniwalang reaction ko kasi, sa baryong pinagmulan ko ay konserbatibo pa ang mga babae. Natinag lang ako noong muling magsalita si Leli.

             “Pero kahit jutay yun Lindon, mahal ko siya. Kaya nasasaktan ako na, nagkakagusto siya sa iba....”

 PLAY>S4

 KNBK-5

            Nung time na yun ay cool-off sina Leli at Kirin...at sa totoo lang, noong medyo magtagal ay hindi na ako natutuwa na nagpapagamit ako sa kabobohan ni Leli na magkunwaring jowa niya, kasi lumalabas na mas bobo ako.

             Nakikilala ko rin ng lubos si Leli noon. Pang-apat na boyfriend na pala niya si Kirin at lahat ng apat na iyon ay naka-sex niya. Ibig sabihin, hindi masyadong pinangalagaan ni Leli ang pagkababae niya. Masyado rin siyang nagbigay ng sobrang tiwala at pagmamahal sa apat na iyon pero si Kirin daw ang talagang sobra niyang minahal.

             Tinanong pa niya ako minsan;

            “Ano kaya kung ako na lang ang magpakumbaba kay Kirin? Hindi naman niya ako sinusuyo eh. Baka mamaya, tuluyan na siyang makuha si Maricar, at ako ang mawalan....’

             Si Maricar ay tagaroon lang din sa Camanci. Isa itong practice teacher noon. Simple ang itsura pero mukhang matino at ayon pa sa mga kapatid ko sa ina ay sobrang bait daw ni Maricar.

             Dahil dito ay nauunawaan ko ang paghina ng loob ni Leli na baka tuluyan na siyang iwanan ni Kirin. Gayunpaman ay trinay kong palakasin ang loob ni Leli noon. Ang sabi ko;

             “Sa tingin ko, hindi siya papatulan ni Maricar. Malapit nang maging ganap na teacher si Maricar, samantalang si Kirin, guwapo nga pero, dakila namang tambay!”

             “May kaya sila at nagiisa siyang lalaki. Lindon, tagapagmana yun sa ari-arian ng Papa niya.....” Ito ang depensa ni Leli.

             Kinahapunan nun, araw ng Miyerkules, tandang-tanda ko. Magkasama kami ni Leli na bumili ng kamoteng kahoy dahil nag-crave bigla si Nanay ng Cassava Cake. Sinamahan ako ni Leli sa nagbebenta ng kamoteng kahoy...at nadaanan namina ng elementary school kung saan namin nakita si Kirin na kausap si Maricar sa labas ng gate ng school. Agad nasaktan si Leli, kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya na itinago lang niya sa pamamagitan ng pagngiti ang pagsambing ng salitang;

             “OK lang. OK lang....”

PLAY>S5

 KNBK-6

            Kinagabihan, dumating si Leli sa bahay nina Nanay bagay na ipinagtaka ko kasi, day-off niya ng Miyerkules pero dapat bago gumabi ay nakabalik na siya ng Kalibo kasi may trabaho na siya kinabukasan.

             “Tara sa baybay. Magdala ka ng backpack....” Sabi niya noong labasin ko siya sa kalsada.

>>> 

            Sinunod ko na lang siya. Ang backpack ay pinaglagyan namin ng binili naming apat na bote ng redhorse at mga sitsiryang pulutan. Hindi rin kami dumaan sa main road papuntang dagat, dumaan kami sa rough road na kalsada papunta sa village ng mga muslim. Walang gaanong bahay doon, lalo na noong malagpasan na namin ang Noor Allah Village, noon na nagsimulang umiyak at magsisigaw si Leli dahil sa kanina pa niyang tinitimping sama ng loob.

>>>     

            Pasimple kaming tumungga ng redhorse sa tabing-dagat habang panay ang emote niya. Nagsimula akong matakot noong masambit niyang, maglulunod na lang siya sa dagat...at noong may tama na nga siya, bigla siyang tumayo at tumakbo palusong sa dagat at ako, natural mabilis ko siyang sinundan. Hindi ako eksperto sa paglangoy, lalo na sa dagat dahil walang dagat o ilog man lang sa amin. Sa irigasyon lang ako natutong lumangoy noong bata ako kaya noong maabutan ko si Leli sa medyo malalim nang bahagi ng dagat, sa tingin ko’y ako pa ang kumapit sa kaniya, napayakap ako. Wala na akong pakealam noon kung saang parte ng katawan niya ako napapahawak at oo, may pagkakataong nasunggaban ko ang dibdib niya. Sigaw ako ng sigaw sa kaniya na huwag siyang magpumiglas at sumama na lang siya sa akin sa pampang...hanggang sa bigla niyang isinampay ang dalawang braso niya sa balikat ko at kasunod nun ay pagsunggab ng mga labi niya sa labi ko...siniil niya ako ng halik...nagulat ako noong una...naramdaman ko rin ang pag-alis ng kanang braso niya sa balikat ko at lumipat ito sa aking junior....na hindi ko mawari noon kung bakit galit eh nakababad pa sa tubig. Pinalis ko noong una ang kamay ni Leli noong sunggaban niya si Manny...pero napakulit niya kaya hinayaan ko na lang....natinag lang kami noong may isang batang babae ang sumigaw sa pampang;

             “Leli, si Katong, hinahanap ka...andun na siya Ilawod....”

>>> 

            Noon ay nataranta si Leli. Kay bilis niyang umahon at tumakbo palayo, tinunton lang nito ang dalampasigan. Sinundan ko naman matapos kong ibalik sa backpack ang mga bote. Naabutan ko siya sa parteng parang mababaw na ilog or sapa, yung bukana nito para kumunekta sa dagat..tinawid niya ako...lampas dibdib...nakataas ang kamay niya para hindi mabasa ang kulay neon green na pouch niya, tila nag-go-glow in the dark, maliwanag ang buwan noon pero takot pa rin akong basta-basta lumusong sa parang sapa na iyon...pero dahil kinaya niya, kinaya ko rin.

         Pagsampa niya sa pampang ng sapa, inilaw niya ang cellphone niya para tanglawan ako sa aking pag-sampa naman...pero noong makasampa na ako ay mulis iyang nagmadaling lumayo. Nahulo pa ang ilang coins mula sa pouch niya pero hindi na niya pinulot.

             Humabol pa rin ako sa kaniya. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko, parang takot na takot siya...hanggang sa may parteng lumihis na siya sa dalampasigan at isang kalsada ang pinasok...medyo paliko iyon pero noong paderetso na ay hindi ko na siya makita sa kalsada...pagtapat ko sa isang gate ng akala ko’y malaking bahay, may sumitsit...paglingon ko, si Leli pala...at hindi pala iyon malaking bahay kundi, hotel. Tanda ko pa ang pangalan, Donia Crispina Resort Hotel...at hindi na iyon sakop ng barangay Camanci Norte kundi, Navitas na. Ibang barangay na. Noon ko pa lang naramdaman ang pagod. Ang haba ng aming nilakbo. Nilakad at tinakbo.

             Pumasok siya sa hotel. Sinenyasan niya akong sumunod. Kumuha siya ng kuwarto....at doon  na Kakuwento naganap ang never kong inasahang mangyayari sa buhay ng isang baklang katulad ko, noon...ang makatikim for the first time ng isang tilapyang hilaw!

 PLAY>S6

 KNBK-7

            Ewan ko, parang wala ako sa katinuan noon, sunud-sunuran ako kay Leli...hanggang sa natangay na lang ako pero noong mga sandaling nakaibabaw ang katawan ko sa maputi at malambot na katawan ni Leli ay parang naramdaman kong sumanib ang esperitu ni Gardo Versoza sa pelikulang Machete sa katauhan ko....at si Leli naman ay kay lakas ng mga halinhing na ewan ko kung bakit, lalo pang nagduloto ng gana sa akin para gawin ang dapat kong gawin. Pinagbuti ko pa, sinunod ko lang utos ng katawan ko dahil wala pa naman akong karanasan sa ganon...at habang sinusunod ko ang body language ko, panay naman ang halinghing ni Leli at ang mukha niyang tila nasasaktan pero nasasarapan ay lalo pang nagtulak sa akin para paghusayin ang ginagawa ko...

>>> 

Pagkatapos namin ay matamis ang ngiti niya, pakagat-kagat pa ng kaniyang natural na mapulang labi.

 “Bakit mo ba tinatakbuhan yung Katong ba yun?” Pero ang sagot sa akin;

 “Totoo palang daks ka Lindon. Sayang ka, ba’t di ka na lang magpakalalaki....”

 “Gaga, sagutin mo yung tanong ko. Sino ba yun at bakit kailangan mo siyang takbuhan?”

 “Yun lang naman ang papatay sa akin!”

“Papatay? Bakit ka niya papatayin?”

“Kuya ko yun, panganay namin. Malaki ang galit sa akin...”

“Bakit? Ano bang kasalanan mo?”

“Bago mamatay ang aming Ina, naibenta niya ang bahay namin. Yung pera, ginamit sa burol niya at pagpapalibing...yung natira pati yung mga abuloy, akin na!”

 “Sinolo mo?”

“Oo. Ako lang naman ang naiwan sa kaniya eh. Ako lang nagalaga sa kaniya. Yung mga Ate at Kuya ko walang pake sa kaniya. Pero si Katong, nasa Maynila kasi noon. Nagpapadala siya paminsan-minsan dati pero noong mamatay si Inay, hindi siya umuwi...kaya halos ako lahat ang nagtrabaho, at saka si Tita Mena,..bunsong kapatid ni Mama....”

 “So, galit sayo ang Kuya mo dahil sa perang iniwan ng Mama niyo na sinolo mo?”

 “Oo. Pero nag-aaway kami sa messenger. Minumura niya ako, minumura ko din siya!”

 “Eh yung Tatay niyo, nasaan?”

“Matagal nang tigok yun!”

“Malaki ba yung bahay niyo? Bakit kinailangang ibenta, tuloy nakikitira ka sa tita mo...”

 

“Akala kasi ni Mama, gagaling pa siya kung magpapagamot siya, yun kasi ang sinabi ng unang doctor niya. Gusto niyang gumaling kaya binenta yung bahay at lupa. Malaki din at malaki yung lote. Kaso, malalala na pala ang breast cancer niya, sabi ng dalawang doctor pang pinuntahan namin. Hinintay na lang niya yung time niya...at nasa tabi niya ako lagi...kaya naisip niyang sa akin lang siya magiwan....”

 “Pero nagalit sayo ang mga kapatid mo. Paano kung magkita-kita kayo ulit?”

 “Hindi na siguro kami magkikita-kita ulit. Pati ikaw Lindon, baka hindi na rin tayo magkita. Magpapakalayo-layo ako...pero bago ka umalis, puwede bang umisa pa ulit tayo...baka sakaling maging lalaki ka na ng tuluyan....”

 PLAY>S7

 KNBK-8

            Mag-aalas-onse ng gabi noong iwanan ko si Leli sa hotel na parang bahay lang. Sa mga kalsada na ako dumaan. Nagtanong-tanong na lang ako hanggang sa makauwi ako sa bahay nina Nanay at nadatnan ko silang nag-aaway ni Lola Cely....dahil sa step-father ko na pinapalayas daw ni Nanay. Nadatnan kong salita ni Lola kay Nanay;

             “Nagtured ka man nga mangpapanaw kenkuwa ket dayo ka lang ditoy. Adda kami pay ditoy Linette, di na kam la imbabainen!”

             Gustong-gusto ko kapag nagiilokano si Lola. Para siyang character sa mga drama sa radyo na pinapakinggan ng mga taga Nueva Vizcaya noong tumira ako doon. Pero pag ako kasi, porke lumaki ako sa Nueva Ecija ay nasanay ako sa tagalog pero, nakakaintindi at nakakapagsalita din ako ng Ilokano.

             Nahihiya si Lola sa step-father kong pinalayas nga ni Nanay nung gabing iyon dahil lang sa ginabi ng uwi si Tito Jack at nakainom pa. Dahil doon, nagpasiya si Lola na umuwi na kami ng Nueva Ecija kinaumagahan....pero, nung gabi pa ring iyon, pasado alas dose na ay may naririnig akong sumisit-sit sa kalsada. Pagtanaw ko sa bintana, nakita ko sina Joey at Kirin.

             Nakita nila akong sumilip sa bintana. Nakangiti sila. Kinawayan ako. Dududog ang dibdib ko noon. Nagdududa sa motibo nila pero, sumanib na ulit sa katauhan ko noon ang espiritu ni Dyesebel kaya, nilabas ko sila. Niyaya nila ako sa kubo nina Joey at doon, sa halagang 500 pesos ay naisubo ko si Kirin ng buong-buo!

 PLAY>S8

 KNBK-9

            2 days later, balik sa dating buhay sa San Jose...pero, si Lola Cely, biglang naisipan na pag-aralin daw ako dahil wala daw siyang nakikitang future ko sa pagtitinda ng meryenda at pakikipag-arawan tuwing taniman. Isa pa, madalang na ang trabahong pang-arawan sa bukid noon dahil uso na ang halimaw, o yung reaper. Malaking makina na naggapas na’t naggigiik na rin.

             Graduate naman akong High School kaya’t sino bang ayaw mag-aral diba? So nag-enroll ako ng BSIT sa CRT San Jose Campus. Pinilit kong matuto kahit mahirap dahil matagal akong nahinto. Liban sa napag-aaralan sa school ay nagreresearch pa ako sa internet lalo na tungkol sa computer studies.

             Maraming istorbo sa totoo lang, maraming boys and girls ang nakaagaw ng atensiyon ko. And yes nga pala, that time ay hindi na ako bakla. Bi na ako, silahis. Double Blade. Nagakakagusto na rin ako sa babae....at sa mga girls ako naging mas close while medyo umiwas ako sa mga boys. Sa mga girls kasi, barkada ang turingan pero kaniya-kaniya kami ng gastos. Samantalang pag boys ang kasama ko, puro sila buraot kaya magastos. Buti naman sana kung may sarili na akong pera. Binibigay lang naman ng Lola ko at galing lang din yun sa anak niyang amerikano.

             Isa sa mga barkada kong babae si Elaine, na simple lang pero, nahulog talaga ang loob ko sa kaniya. Sa paraang pabiro ay sinasabi ko sa kaniya na liligawan ko siya...pero siyempre hindi sila naniniwala kasi, boses bakla ako, at kahit matigas ang mukha at katawan ko ay malambot ang kilos ko. Tinanatawanan lang ako ni Elaine.

             Naghintay akong tamang pagkakataon na, makausap siya ng seryosohan. Valentines day 2022 ay nataong kami lang dalawa ni Elaine sa magbabarkada ang pumasok ng school dahil nakipagdate ang ibang friends namin. Uwian ng hapon, inaya kong kumain ng hapunan si Elaine pero, ayaw niya. Darating daw ang Mama niya sa boardinghouse nila. OK kako kaso may dinugtong siya;

            “Baka sabihin pa ng mga tao ka-date kita....” Ang sagot ko naman;

            “Masama ba yun. Totoo namang gusto kita Elaine. Kahit malambot ako, pusong lalaki ako...”

            “Ano? Juice ko Lindo, kinikilabutan ako sayo. Alam mo, kung gusto kong magkaboyfriend, marami diyan...mga totoong lalaki, mga guwapo pa! Sige, mauna na ako!”

>>> 

            Nasaktan ako Kakuwento. Muntikan pa akong mapaluha noon. Sabi ko sarili ko. “Mahirap palang maging lalaki kung hindi ka guwapo. Maiinsulto ka na, masasaktan ka pa!”

>>> 

            Isa pang pangit pala sa pagiging lalaki ay, kung kelan ka nireject, hindi mo pa tatanggapin kaagad. Macha-challenge ka pa. Susubok ka pa hindi lang minsan, kundi hanggang mapasagot mo na, kung suwerte ka. Pero kung hindi kagaya ko, sa halip na bigyan ako ng chance, iniwasan pa ako matapos sabihing;

             “Naaalibadbaran ako sayo Lindon. Mamili ka na lang. Iiwas ka sa amin o ako ang iiwas sa inyo?”

>>>     

            Masakit yung salitang, naaalibadbaran kasi para kang, isang bagay na hindi talaga kanais-nais. Umiwas na lang ako, pero dahil affected ako noon ay muntikan pa akong mawalan ng ganang magaral kasi, nasasaktan ako kapag nakikita ko si Elaine.

             Isang umaga, nagising ako mula sa isang panaginip. Napanaginipan ko si Kirin. Masarap ang pangyayari sa aming panaginip pero pero nabitin ako kasi, nagising na ako. Nasabi ko sa sarili ko,

             “Bakit ba ako nagpapakalalaki? Mas masayang maging beki!”

 PLAY>S9

 KNBK-10

            Nagladlad na lang ulit ako Kakuwento. Nakibarkada ako sa mga beki sa ibang department and yes, mulign naging masaya ang buhay ko. Noon ko napagtatanto na ang pagiging bakla ko ay mind-conditioned lang.

             Gabi ng lingo, nag-night mass kami ni Lola. Kumain din kami sa Jollibee at habang kumakain kami ay nagring ang messenger ko. Hindi pamilyar sa akin ang tumatawag, Iris Melody ang pangalan at bulaklak lang ang profile picture kaya hindi ko sinagot...pero, nag-chat...binasa ko at napanganga ako sa nabasa ko. 

            “Lindon, si Leli ito. Nangangak na ako, ikaw ang ama!”>>> 

            Pinabasa ko din kay Lola ang message ni Leli at hindi siya makapaniwala. Sunod-sunod ang naging tanong niya.

>>> 

            Noong magtago si Leli. Nagpalit siyang SIM Card at nag-deactivate siya ng facebook kaya kami nawalan ng communication. Ako naman si gaga, lahat ng nagpapa-add sa akin sa facebook kino-confirm ko at hindi ko alam na dati ko na palang na confirm si Leli.

>>> 

            Kasama pa namin si Tito Brenan, amerikanong anak ni Lola Cely noong puntahan namin si Leli sa Lipa City, Batangas. Inuwi namin sila ng aming anak dito sa San Jose City. Si Lola ang nagdesisyon nun matapos siyang tumawa noong makita ang anak namin ni Leli.

             “Walang kaduda-duda, anak mo yan. Sa lapad pa lang ng ilong, di na maipagkakaila!”

 PLAY>S10

 KNBK-11

            Sa ngayon ay 3rd year college na ako and at the same time ay tumutulong sa business ng partner ko. Yes Kakuwento hindi pa kami kasal ni Leli. Gusto nina lola at tito brenan pero ayaw pa ni Leli dahil hindi pa raw niya nakikita na magiging maayos akong asawa. Pasado na raw ako sa pagiging ama pero maging asawa, nag-oobserve pa siya.

             Nagsisikap akong maging karapat-dapat kay Leli. Sa totoo lang sobrang thankful ako na bahagi na siya ng buhay ko, ina ng anak ko at determinado akong magbago. Mula noong inuwi namin sila dito, nagtino na ako...sa kanila ko na lang inaalay ang buhay ko. Marami na akong pangarap para sa kanila.

 

            May mga pagkakataong napapalingon ako sa iba, pero experto na akong mag-refocus sa utak ko. Iisipin ko lang ang anak ko or titingnan ang wallpaper ng phone ko, picture naming tatlo, ako, si Leli at anak naming si Lenard, OK na ako...at gusto kong balang araw, maging proud sa akin ang anak ko.

             Hanggang dito na lang muna Kuya Bono at sana’y mabasa mo ulit itong kuwento ng buhay ko.

 Umaasa,

 Lindon

 

 

Comments

Popular posts from this blog

The Story of Sandy