The Story of Lindon | KnBK Story
Dear Kakuwento, July 2021, mahigit apat na taon na ang nakararaan noong makilala ko ang babaeng hindi mabigkas ng tama ang sarili niyang pangalan. Si Leli. Over a year later, noong Septemer 2022 nag-process kami ng papeles namin para sa aming kasal ni Lele at noon ko lang nakita ang spelling ng pangalan niya. L.I.L.Y. Diyos ko pong mahabagin, Lily pala! Ngayon ay may 2-year old na kaming anak na pinangalanan naming Lenard, pero ang bigkas niya ay Linard. Yes Kakuwento, bisaya ang misis kong si Leli. Ang babaeng nagpabago sa akin at siyang kahulugan ng saya at ligaya para sa akin ngayon. Saya, dahil hanggang ngayon, kahit apat na taon na kaming nagsasama ay halos araw-araw pa rin niya akong napapatawa. Ligaya, dahil hindi pa rin ako nagsasawa sa kaniyang angking kagandahan ...
Comments
Post a Comment