Dear Kuya Bono, Matagal ko nang alam na may trust issues ako. High School pa lang ako noong ikintal ko sa utak ko na, napakaraming tao sa mundo at napakamalas ko lang talaga kung sa dami ng pagpiplian ko ay maling tao pa rin ang makukuha ko. >>> Kaya lang, noong High School ko rin na-realize na, kahit ang daming tao mong nakikita at nakakasalamuha araw-araw, kung takot kang magtiwala...mararamdaman mo pa rin na nag-iisa ka kasi, yung takot mo ang pipigil sayo para ipakita ang totoong ikaw, magkuwento ng totoong saloobin mo, gumalaw ng walang kinatatakutang pintas mula sa ibang tao. Sa madaling salita, physically may kasama nga ako, may mga kaibigan ako pero deep inside me, I was all alone. >>> Galing ako sa pamilyang masasabing may kaya pero nababalot din ng madilim na sikre...